Monday, October 2, 2017

Erich Gonzales nagtamo ng sugat matapos mauwi sa totohanan ang sampalan nila ni Lovi Poe sa pelikulang The Significant Other

The Significant Other

Nahinto ang shooting ng The Significant Other dahil nauwi sa totoong sampalan ang eksena ng dalawang magigiting na actress na sina Erich Gonzales at Love Poe. Maga ang leeg ng kapuso actress na si Lovi samantalang duguan naman ang kamay ng kapamilya actress na si Erich dahil sumabit ito sa hikaw ni Lovi. Makikita sa intagram post ni Ahwel Paz (DZMM showbiz cast anchor) na isa ring kasama sa Cast ng Pelikula ang nanginginig at umiiyak na si Erich sa backstage. 

The Significant Other

Kalakip ng post ang video kung saan makikita ang dugo sa suot na gown ni Erich. Ayon ky Ahwel, humingi naman daw ng dispensa si Lovi pagkatapos ng eksena, at tumalikod. Wala naman daw dahilan upang magkasakitan ang dalawang aktres, siguro raw ay nadala lang nang husto dahil sa tindi ng kanilang emosyon.

The Significant Other

No comments:

Post a Comment