Nahinto ang
shooting ng The Significant Other dahil nauwi sa totoong sampalan ang eksena ng
dalawang magigiting na actress na sina Erich Gonzales at Love Poe. Maga ang
leeg ng kapuso actress na si Lovi samantalang duguan naman ang kamay ng
kapamilya actress na si Erich dahil sumabit ito sa hikaw ni Lovi. Makikita sa
intagram post ni Ahwel Paz (DZMM showbiz cast anchor) na isa ring kasama sa
Cast ng Pelikula ang nanginginig at umiiyak na si Erich sa backstage.
Kalakip ng
post ang video kung saan makikita ang dugo sa suot na gown ni Erich. Ayon ky
Ahwel, humingi naman daw ng dispensa si Lovi pagkatapos ng eksena, at tumalikod.
Wala naman daw dahilan upang magkasakitan ang dalawang aktres, siguro raw ay
nadala lang nang husto dahil sa tindi ng kanilang emosyon.